Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Bayan ng Balagtas sa paggawad ng 2025 Good Financial Housekeeping bilang pagkilala sa maayos at responsableng pamamahala sa pondo ng taumbayan.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng lokal na pamahalaan, mga kawani, at bawat Balagtaseñong patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng tapat at mahusay na paglilingkod. Patunay itong sa pamamagitan ng mabuting pamamahala at pagkakaisa, mas marami pa tayong tagumpay na maaabot bilang isang bayan.

Muli, pagbati sa ating lahat!