𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗖𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ngayong araw "March 20, 2026" katuwang ang Municipal Civil Registrar (MCR), matagumpay nating naipamahagi ang libreng PSA documents sa 400 kababaihan ng ating bayan.
Patuloy nating kinikilala ang lakas at mahalagang kontribusyon ng kababaihan sa ating bayan. Ang serbisyong ito ay suporta sa inyong karapatan at pag-angat. Kaisa ninyo ang pamahalaan sa pagbibigay halaga at oportunidad sa bawat babae.




